Tuyo at Buhaghag hair na Nakakasira ng Hitsura? Narito ang tatlong Madali at Mabilis na Hack kung Paano Ayusin ang Buhaghag na Buhok.
Sige, i-visualize mo ito! Nag-text ang iyong nobyo na makipagkita sa iyo para sa isang romantikong hapunan. Pumunta ka kaagad sa shower para maligo bago isuot ang iyong seksi at itim na dress. Ang iyong OOTD, makeup, accessories, at sandals ay ready na para sa gabi ngunit sayang, ang iyong hitsura ay sinira ng nakakainis na buhaghag hair . Nagtatampo ka at nag-iisip ng isang perpektong dahilan upang huwag ng ituloy ang iyong date dahil wala kang oras at pera para magpasalon. Naka-relate ka ba?
Lahat tayo ay mahilig sa mga lumilipad na lobo at scarf sa mga pelikula ngunit pagdating sa pagkakaroon ng perpekto, walang buhaghag, mas smooth na buhok, kami ay clueless tulad ni Alicia Silverstone. Kung mayroong isang bagay na hindi natin gusto, ito ay ang buhaghag hair. Bagama't ang ilan sa ating mga babae ay prone magkaroon ng tuyo at buhaghag hair kaysa sa iba. Ang maling pag-aalaga ng buhok ay maaring gawing buhaghag ang buhok na super straight.
Marami sa atin ang hindi alam na ang sikreto ng buhaghag na buhok treatment ay nagsisimula sa shower. Naintriga ka ba? Anuman ang dahilan kung bakit ang iyong buhok ay natutuyo at buhaghag, ang tamang kumbinasyon ng mga produkto at mga tip sa pag-aalaga ng buhok ay laging to the rescue. Nagtipon kami ng ilang amazing tips mula sa mga eksperto sa buhok at stylist kung paano maging smooth ang buhok at kung paano kontrolin ang tuyo at buhaghag hair para sa mas gorgeous na buhok araw-araw. Isa-Isahin natin ito: